Wednesday, April 9, 2014

How to Save on Utilities (Part 1)

 How to Save on Utilities (Part 1)


Kapag nakatanggap ka ng billing statements, ano ang pinakaimportanteng impormasyon na dapat ninyong tingnan? Amount? Consumptions? Due date? Hindi! Ang pinakaimportanteng bagay na dapat n’yong tingnan ay pangalan at address, baka hindi naman sa inyo ang bill. Baka naman iyan ay sa kapitbahay ninyo, lalung-lalo na kung kayo ay nakatira sa hile-hilerang apartment or townhouses. Madalas, nakapangalan iyan sa may-ari ng apartment at nagkakaiba lang kayo sa letra ng address.
Kaya ang payo namin – Stare at your bills every month. This is tip no. 1. Ito rin ang isa sa pinakaimportante nating dapat gawin on how to save on your utilities.

Para mas makasiguro, lalo na sa kuryente at tubig, patayin ang main switch at pumunta sa meter center kung saan nakalagay ang mga metro.  Tingnan ang meter number sa inyong bill. Kapag ang metro ninyo ay umiikot pa rin kahit hindi ginagamit, malamang mali ang tinitingnan ninyong metro o kaya naman ay may problema ang linya n’yo. It’s time for you to get the services of a qualified electrician or tubero.  Kasi bawat kuryente o tubig na nasasayang ay binabayaran ninyo.  Ikumpara rin ang konsumo ninyo last month sa konsumo ninyo ngayon (current charges), para may idea kayo kung bumaba ba o mas lalong tumaas ang konsumo ninyo. You will then realize and analyze kung bakit…

Tip. No. 2 – Refrain from using electrical heating devices. Such as electric iron, rice cooker, coffee maker, microwave ovens, oven toasters and water heaters.. kasi these small appliances consume a lot of energy. Sa madaling salita, malakas sa kuryente.  Kaya kung kaya rin lang namang mabuhay na wala ang mga ito, huwag nang gumamit. Maliban na lang siguro ang plantsa. Wala pa kaming alam na substitute para dito.  Pero para mas makatipid sa kuryente, iwasan ang pa isa-isang pagpaplantsa o ‘yung halos araw-araw namamalantsa.  Ipunin lahat ng plantsahin. May mga damit na hindi na kailangang plantsahin. Huwag masyadong pigain pagkatapos maglaba para pwede agad suotin pagkatuyo. Kung kaya naman, magplantsa ng isang beses sa isang linggo. Iwasan din ang paggamit ng rice cooker. Mas matipid sa gas stove.
Ang iba naman, nagpakabit pa ng water heater. Additional gastos na naman ‘yan.  Para hindi lamigin sa paliligo, sigaw at takbo lang ang solusyon d’yan.  Hindi ba’t ang unang buhos lang naman ang malamig? So, sa unang buhos, umilag ka. Eh di wala na ang lamig. Kung nanghihinayang talaga kayo sa tubig, eh ‘di pagbuhos ay sundan n’yo ng sigaw at takbo. (WHAAAAAHH…) Mawawala rin ‘yun.

Tip no. 3 – Use ESL (Energy Saving Lamps) as much as possible; much better, LED. Bukod sa mas maliwanag, ang mga ito ay mas mababa pa ang konsumo sa kuryente at hindi nakakadagdag ng init sa loob ng bahay. Medyo mahal lang ito sa una, pero in the long run ay mas makakatipid kayo. Under normal use, mas mahaba pa ang buhay nito.  Bumili lang ng branded na mga ilaw para may warranty ang mga bulbs. Marami kasi ngayon ang nagbebenta ng mas mura pero ilang buwan lang ay pundido na.


Source: http://cbnasia.org/home/2014/04/how-to-save-on-utilities-part-1/


At your service,

JHAY MAGAT

No comments:

Post a Comment